Huwebes, Nobyembre 1, 2007
Rev. ARNOLD C. BIAGO, SVD
Sa France ay napabalita na ang isang binitay na kriminal ay sinisimulang gawing santo. Sa katunayan, ipinag-utos ng Arsobispo ng Paris, Cardinal Lustiger na simulan ang “cause for beatification” ni Jacques Fesch noong 1993. Si Jacques Fesch ay binitay sa kasalanag pagnanakaw sa banko at pagpatay sa isang pulis noong October 1, 1957. Isang taon matapos siyang makulang, dumanas siya ng masinsinang pagbabalik-loob sa Dios na nagpabago ng kanyang buhay at pananaw.
Sa unang tingin, mahirap intindihin kung bakit ang isang kriminal ay gawing santo. Anuman ang mangyari, ang isang kriminal ay talagang kriminal. Subalit kung may tunay na pagbabago at pagbabalik loob sa Dios na naganap sa buhay ng isang tao, hindi malayong mangyari na siya ay kabilang sa mga pinagpala at kalugod-lugod sa Dios, ang mga hinirang na banal ng Dios. Katulad ito ng panyayari sa Kalbaryo kung saan si Dimas sa kanyang pagkilala kay Kristo ay kaagad-agad biniyayaang maging kaisa ng Dios sa kanyang Kaharian sa langit.
Nabanggit ko ang balitang ito sapagkat ang ginugunita natin ngayon ay hindi lang ang kamatayan o mga patay, kundi ang ating pakikiisa sa buhay ng na bigay ng Dios na walang hanggang, ang buhay na pinagpala at kalugod-lugod sa Dios, ang buhay ng isang banal, ng isang Santo. Sa pamamagitan ng kwento ni Jacques Fesch, sinasabi sa atin na ang maging Banal ay hindi para lang sa iilang pinili kundi para sa lahat. Maging anuman ang ating katayuan sa buhay, bata man o matanda, may ngipin o wala, mabait o pasaway, lahat ay tinatawag ng Hesus na makiisa at makibahagi sa buhay kaligtasan sa piling ng Dios Ama.
Kaya masasabi natin na sa “All Saints Day” ipinagdiriwang ng Simbahan,natin, ang kaganapan ng ating mga mithiin at hangarin, balang araw tayong lahat at makikisa sa mga Banal, “communion of saints”. Na sana balang araw lahat tayo ay mapupunta sa langit, doon tayo magrereunion sa Kaharian ng Dios Ama. Sabi nga nila, “Heaven is a perfect place”. Sapagkat, pag nakita mo ang Dios wala ka nang hahanapin pa. Di ka magugutom, di ka matatakot, kumbaga walang katapusang saya at ligaya ang langit. “Sinu ang gustong mapunta ng langit, taas ang kamay?” Yan, lahat tayo hanggad na mapunta sa langit. “Ngayon, sinu ang gustong mauna sa langit? Taas ang kamay!”
Nakakatuwang isipin na walang isang tao na matino ang pag-iisip ang aayaw sa langit at gusto doon sa impiyerno. Lahat gustong mapunta sa langit. Ngunit walang gustong mauna. Lahat takot mamatay. Siguro, dahil di natin sigurado kung doon nga tayo mapupunta.
Kung tayo ay hindi sigurado na mapupunta sa langit, tayo naman ay naniniwala na may mga ilan na ang buhay ay naging kalugod-lugod sa Dios kaya sila ay pinagpapala na maging mga Santo. Kaya ganun na lang ang tuwa at galak ng simbahan na ipagdiwang ang “All Saints Day” bilang pakikiisa sa pagsasaya ng langit sa pagkakaroon ng mga bagong kasama. Ang mga santo ay binubuo opisyal na tala ng Simbahang Katolika, ang Roman Martyrology, na may nakalistang humigit sa 7,000 na mga santo; di pa kabilang dito ang mga nabuhay nang banal sa lahat ng panahon na tumugon at sumunod sa kagustuhan ng Dios na hindi natin kilala. Maari na kasama dito ang ating mga mahal sa buhay. Kung hindi man, umaasa tayo sa awa ng Dios na balang araw siya ay mapapabilang dito. Ito ang dahilan kung bakit natin ipinagdarasal ang mga kaluluwa, at kung bakit natin ginugunita ang araw ng mga patay pag “All Souls Day.”
Ipinagdiriwang din nating ang “All Saints Day” bilang pagkilala sa kadakilaan at dangal ng Inang Simbahan na siyang bukal ng kabanalan at nagluwal sa mga taong Banal na huwaran sa kanilang kalugod-lugod na buhay pagtalima sa kalooban ng Dios. Subalit, kailangan ba talagang kilalanin at bigyan ng parangal ang mga Santo? Total patay na naman sila, di na nila malalaman ang ating pagkilala sa kanilang mga kabutihan. Ang katulad na tanong ay nabanggit ni St. Bernard sa simula ng kanyang sermon para din sa “All Saints Day.” Sa kanyang pagpapatuloy ng sermon, sinabi niya, “Hindi kailangan ng mga Santo ang mga binibigay nating parangal sa kanila, maging ang ating mga dasal ay hindi makakadagdag sa biyayang nasa kanila na. Subalit habang sinusuri ko ang kanilang buhay, napupukaw sa aking katauhan ang hangaring matulad sa kanila.”
Mga kapatid, ang ating pagdiriwang para sa lahat ng mga Banal sa Langit ay walang ibang layunin kundi pukawin sa ating puso at buong katauhan ang paghahangad na mapabilang sa hanay ng mga Banal sa piling Dios. Walang silbi ang ating buhay kung hindi ito nakaugat sa Dios. Ang buhay ay puno ng kahulugan sa piling ng Dios. Mabuti na rin na walang gustong mauna sa langit, sapagkat ang kaganapan ng isang buhay sa piling ng Dios ay nagsisimula dito at ngayon. Paanu ang mapabilang sa hanay ng mga Banal, ang mabuhay sa piling ng Dios? Una, di kailangan ng malawak na kakayahan o kakaibang talino. At ikalawa, buong pusong makinig at sumunod kay Kristo na handang harapin ang anumang hirap at pasakit. Katulad ng isang butil, kailangan niyang matuyo at mabulok sa lupa para sumibol ang isang bagong buhay mula sa kanya.
Kaya ngayong panahon ng Undas, sa ating pagunita sa mga pumanaw, nawa makita natin na ang kanilang kamatayan ay daan tungo sa kaganapan ng buhay sa piling ng ating mapagpatawad at mapagmahal na Dios. At patuloy din tayong magdasal para sa lahat na yumao upang sa pagsapit ng takdang panahon, magkasama-sama ang lahat ng mga banal. Para sa ating lahat, kumuha tayo ng lakas ng loob sa mga halimbawa ng buhay ng mga hinirang ng Dios na Banal sa ating pagsunod sa kay Kristo. Marami man tayong mga pagkukulang at mahirap man ang sundan si Kristo umaasa tayo na siya ay kasama natin sa sa lahat ng pagkakataon.
Linggo, Oktubre 28, 2007
Ang Kalugod-lugod sa Dios
by Rev. ARNOLD C. BIAGO, SVD
Trophy. Ang Trophy ay katibayan ng pagiging champion sa isang kontest: ito man ay sa sports, music, arts at kung anu pa man. Ang trophy din ay pagkilala sa angking kakayahan o galing ng isang tao. Kaya maaari nating sabihing may ibubuga siya kaya nag “champion”. Di magiging kanya ang trophy kung hindi siya magaling.
Kung ang tao ay kumikilala sa angking galing ng iba, gayundin ang Dios. Sa pamamagitan ng kanyang biyaya at pagpapala namamalas natin ang pagkilala ng Dios sa mga ginagawa ng isang tao. Ngunit ang kinilala ng Dios ay hindi ang angking galing, talino o anumang kakayahan ng isang tao. Kundi ang kabutihang loob ng isang tao.
Ang ating Ebanghelyo ngayon ay nagpapaliwanag ng natatanging paraan ng pagkilala ng Dios sa tunay na kabutihang loob ng isang tao.
Una, ang Dios ay hindi nadadala ng pagmamagaling. Kung may ibinibigay mang pagpapalala o mabubuting bagay ang Dios, ito ay bunga ng Kanyang tunay na kabutihang loob at di ng kakayahan ng tao na magwagi at makinabang sa pagpapala ng Dios. Di kailanman masasabi ng tao na siya ay karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Dios. Ang biyaya ay hindi napagwawagian. Ang pagpapala ng Dios ay hindi katulad ng isang trophy na napapanalonan. Kaya hindi naging kalugod-lugod ang Pariseo na nagdarasal sa sa loob ng Templo, sapagkat siya ay nagmamagaling. Ipinagmamalaki niya sa kanyang pagdarasal ang kanyang pagtupad ng higit pa sa nasasaad sa Utos ng Dios. Lumalabas na ipinapamukha niya sa Dios na may karapatan siya sa mga biyayang ipagkakaloob. Yun ay kanyang napagawagian bilang katumbas na kabayaran mula sa kanyang pagtupad sa mga Kautusan ng Dios.
Naalala ko tuloy ang kwento tungkol sa isang batang nag aaspire maging isang negosyante: Isang araw gumawa siya ng bill of accounts para singilin ang kanyang nanay ng bayad para sa mga gawaing bahay na kanyang ginawa sa loob ng isang linggo:
Name of Customer: Mrs. Erlinda Biago
Services Amount Due Pagwawalis ng bahay P20.00
Paghuhugas ng plato 15.00
Paglabas ng basura sa umaga 10.00
---------
Total P45.00
Kasama ng kanyang mga matamis na nginti, iniabot niya ang ginawang bill of accounts sa kanyang nanay. Kinabukasan, iniabot ng kanyang nanay ang isang sobreng may lamang P45.00 at kasama ang isang papel na may maikling sulat. Inilabas niya agad sa sobre ang pera at tuwang-tuwa siya habang binibilang ang kanyang nasingil sa kanyang nanay. Pakatapos, tiningnan niya at binasa ang nakasulat sa note galing sa kanyang Nanay. Ito rin ay bill of accounts niya:
Name of Costumer: Ronald Biago
Services Amount Due Pag-aalaga, pagpapalaki at Pag-paparal P0.00
Pagluluto ng Pagkain 0.00
Pagbili ng kanyang Damit at Laruan 0.00
---------
Total P0.00
Walang sinisingil ang kanyang nanay. Ganun po talaga ang mga magulang, ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak ay ibinibigay nila ng walang bayad. Ito ay libre at buong-puso nilang ipinagkakaloob ng walang kondisyon, karapat dapat man o hindi ang kanilang anak. Ganito rin ang biyaya at pagpapala ng Dios, ibinibigay ito kahit hindi karapat-dapat ang tao na tumanggap nito.
Ikalawa, mahalaga sa paningin ng Dios ang taus-pusong pagsisi sa mga pagkakasala. Ito ang katapat ng pagmamagaling. Sa katunayan, ang pagsisi ay kababaang-loob. Ganito ang Publikanong kilalang makasalanan na di man lamang makatingin at nakayuko habang nagdarasal sa loob ng Templo. Ngunit, sa di inaasahang pagkakataon, siya pa ang kinalugdan ng Dios. Hindi dahil sa kanyang mga kasalanan kundi sa kanyang pagpapakababa, at pagsandal at pagtitiwala sa dakilang awa ng Dios. Ipagkakaloob lamang ng Dios ang kanyang pagpapatawad, pagpapala at biyaya sa sinumang bukas ang kalooban na tanggapin ito.
Katulad ito ng tinanggap ni Erap na “executive clemency”. Kung saan inamin rin niya na siya ay mandarambong, magnanakaw sa kaban ng yaman ng bayan. Kaya, pinatawad siya ni Gloria. (
Mga kapatid, ang kinalulugdan ng Dios ay hindi ang ating galing sa pagsunod sa mga Utos ng Dios kundi ang ating kababaang loob na magsisi sa ating mga pagkakasala at kahandaang tanggapin ang Dios na manguna sa ating buhay. Hindi man natin kayang pagwagian ang biyaya at pagpapala ng Dios, ito naman ay Kanyang buong pusong ibibigay kung tayo ay handang iwanan ang sariling nagmamagaling at bukas na tanggapin ang Dios sa ating puso’t isip at buong katauhan. Sa ganitong paraan kinikilala ng Dios ang ating kabutihang loob.
Linggo, Oktubre 21, 2007
28th Sunday of ORDINARY Time C
Salamat sa Kabutihan ng Dios
Isang lalaki ang lumapit at nagdaraing, nagrereklamo sa isang Rabbi: “Guro, ang hirap talaga ng buhay, akalain nu ba naman, siyam kaming magkakasama isang kwarto, ang hirap talaga, anu po ang gagawin ko?” “Isama mo sa kwarto ninyo ang isang kambing!” ang utos sa kanya ng Rabbi. Nagdadalawang isip siyang sundin ang sinabi ng Rabbi, pero seryoso ito, “Gawin mu ang sinabi ko! Bumalik ka pakalipas ng isang linggo.”
Matapos ang isang linggo, bumalik ang lalaki, madilim ang mukha, at reklamo agad sa Rabbi, “Ang baho ng kambing! Di na namin kaya. Ang baho talaga!” “Umuwi ka na, ilabas mu na ang kambing sa kwarto nu. Bumalik ka sa isang linggo!” sabi sa kanya ng Rabbi.
Pakalipas ng isang linggo, isang masayang lalaki ang bumalik sa Rabbi. “Ang sarap ng buhay! Ang saya-saya naming siyam sa loob ng kwarto nang ilabas namin ang kambing. Sarap ng buhay, pag walang kambing.”
Ang kwentong ito, katulad ng unang pagbasa at ng ebanghelyo ay sinasaning tayo ay MAGPASALAMAT sa anumang pangyayari at bagay na dumarating sa ating buhay, na kadalasan ay di nabibigyan ng pansin at halaga na kung tutuusin ay mga biyayang galing sa Dios. Sabi nila sa English, “count your blessings.”
Napapansin ko pa na mahirap ang magpasalamat! Naalala ko noong maliit pa kami, pag may bisita si Mama, ako ang sumasalubong kasi may dalang pasalubong. Kiss ng konti, yon iaabot na nila yong pasalubong. Tatakbo na
Ang totoo, di lang mahirap magpasalamat, mas madali ang magreklamo at dumaing ng kung anu-anu. Kahit sa bibliya puro din reklamo, halimbawa, ang 150 Psalms, 50 ay tinatawag na lament Psalms, na ang laman ay mga daing at paghihinagpis, sa madaling sabi, reklamo. Ganun din naman ang mga laman ng dasal ng karamihan. Pag may nag text sa kin na kaibigan ng nagpapadasal sigurado problema yan., reklamo na naman.
Four years ago, isang nanay ang lumapit sa aki, “Brother, ibless nyo naman bahay namin.” “Sige ko, kelan po natin ibless.” Tanong ko sa kanya. Mamaya pong 4pm. 4pm pinuntahan namin ang kanilang bahay. Medyo nabigla ako, kasi luma na ang bahay nila at medyo may kalakihan. Nagpaliwanag siya, “Brother, matalagal na po kaming nakatira dito, gusto lang namin ipabless kasi madalas magkasakit ang mga anak ko.” Katulad ng karamihan sa ating mga dasal, si Ate Edna ay nagpabless ng bahay dahil may problema, sila ay nahihirapan.
Wala pong masama sa pagrereklamo, ang dumaing at mahirapan. Parte ito ng buhay. Swerte ka kung nahihirapan ka kaya ka nagrereklamo, ibig sabihin niyan buhay ka pa. Tingnan ninyo yong mga nasa kabaon, hindi sila nagrereklamo, at nakangiti pa all the time.
Napakaganda, sapagkat sa ating pananampalataya ang kahirapan ay hindi sagabal sa ating pakikipag ugnayan sa Dios, malimit ito ay tulay natin patungo sa Dios. Ang sampung ketongin at ang Kommander ng mga sundalo na si Naaman ay pawang mga individual na dahil sa kanilang sakit sila ay inilapit sa kay Hesus at sa Dios. Di lang yan, si Hesus ay nagdanas ng hirap para sa ating kaligtasan. Samakatuwid, dahil sa ating pananampalataya, ang kahirapan ay pakikisa natin kay Hesus na naghirap para sa ikabubuti natin.
Kung ang dumaing ay karaniwan, ang magpasalamat ay sa maykapal. Di pangkaraniwan ang ginawa ng Samaritanong ketongin na isa sa sampung pinagaling ni Hesus, sapagkat bumalik siya para magpuri at magpasalamat sa Dios sa paanan ni Hesus. Kung magkagayun, ang bawat pasasalamat na binibigkas ng ating labi ay alay papuri sa Dios. Na sa bawat pagsasabi natin ng salamat, ito ay nuukol sa Dios.
Naalala ko ang kwento ng isang lalaki na bumili ng tinapay sa isang bakery. Matapos balutin ng tindera sinabi niya, “Brod, salamat sa Tinapay.” Pero sabi niya, wag po kayong magpasalamat, sa akin, nagtitinda lang po ako, dun na lang po sa panadero (baker). Kaya nagpasalamat siya sa panadero, “Manong, salamat po!” Pero itinuro siya nito sa, “Dun na lang po sa mga nagbuhat dito ng arina kayo magpasalamat.” Pinasalamatan niya ang mga nagbuhat, pero katulad ng nauuna itinuro siya nito sa iba, hanggang naabut niya ang magsasaka, kaya sabi niya dito, “Tatay, salamat po sa Tinapay.” Tugon ng magsasaka, “Anak, ako’y nagani lamang ng butil ng panamin. Sila ang iyong pasalamatan.” Kaya sinabi niya sa mga tanim, “Salamat sa tinapay!” Pasalamatan po ninyo ang nagbigay ng tubig, liwanag, hangin at ang may gawa ng lupa, siya ang nagbigay buhay at bunga sa amin, ang Dios na maylikha nag lahat.”
Ang bawat pasasalamat ay pasasalamat sa lahat ng bahagi ng biyaya ng buhay . Ang bawat pasasalamat ay pagkilala sa kabutihan ng Dios, sa kabila ng ating mga nararanasang hirap sa buhay.
Mga kapatid, kung karaniwan sa atin ang dumaing at hindi pangkaraniwan ang magpasalamat, ngayong ay ipinaalala sa atin na ang magpasalamat ay sa Dios, isang pasasalamat sa mga kabutihan ng Dios.
29 th Sunday of ORDINARY Time C
Prayer and
Today, our Gospel speaks about prayer. And this Sunday is World Mission Sunday. In this mass then, we are invited to reflect on the themes of prayer and mission.
First, on Prayer. A true prayer is one that is done with a PC... What is that? a personal computer? No, its PERSISTENCE and CONFIDENCE, that is, we need to pray with persistence and with confidence.
Prayer essentially is not only storming heaven with our requests and demand, rather prayers is being with God; it is communing and communicating with God. Prayer is primarily Adoring God, Confessing to God, and Thanking God (ACT), and only secondarily is prayer about petitions, requests and "demands" to God. This is the way we pray in the Church, look at the model of all prayers--the our Father--it does not right away say, "Give us this day our daily bread," first it says solemnly: "Our Father in Heaven, holy be your name...". But in prayer we also, confess our sins, hence we say, "forgive us our sins." This is also the way we pray in the Mass, the highest prayer of the Church. We might think that God is very meticulous with our prayer. The truth is, God does not need our prayers; rather we need God that is why we pray.
It is in this context of understanding prayer where we say that we need to have persistence and confidence in prayer.
In prayer we need to be persistent not only because prayers are not immediately heard but also because there is no guarantee, no assurance that they will be granted. Sometimes, people pray only because they are happy, satisfied have so much blessings in life, or simply because they feel good about it. And when life becomes difficult, problems and trouble come in, and finding themselves as if God have abandoned them, they stop praying. I believe, when such desperate moments come into our lives, the more that we have to pray. Personally, many of my intense prayers happened on these desperate situations, such as during exams. Not that I was not prepared and afraid to fail in the exams, but I came to pray more when I study longer and harder. Persistence is to continue praying even if we don't feel like praying, or even if we are tired of it. We have to imitate and be like the persistent widow in our Gospel today who continuously appealed her cause to the unjust judge until such time that the latter handed a fair decision. We need also to be like Moses in our first reading who endured the physical rigor and difficulty of maintaining an outreach arm as he prayed for victory over their enemies, the Amalekites. This is the way to be persistent in prayer, never giving up.
In prayer, we also need to be confident, to be strong in hoping that what is good and best for us will be provided by God, not necessarily what we specifically ask for but what will truly bring us closer to God. Let us remember what Jesus said, "if you who are wicked, know how to give good gifts to your children, how much more will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who asked him." (Luke 11:13) Not only that we trust the goodness of God but our experience tells us that patience is a virtue.. in Filipino we say, "Pag may tiyaga, may nilaga." I believe God is not that cruel to ignore a person's diligence and industry. Once more, our Filipino genuis rings very true in this regard, "Nasa tao ang gawa nasa Dios ang awa." Now, I strongly believe, we have all the reason to be confident in our prayers.
My dear brothers and sisters, we need to have PC in prayer, that is, have persistence and confidence in prayer.
Second, on
"Evangelizing is in fact the grace and vocation proper to the Church, her deepest identity. She exists in order to evangelize." Proclaiming Christ to others then is our corporate identity, as Christians we are and must proclaim Christ to others. This is what we are supposed to be as Christians, to proclaim Christ to others.
But there are those who prepared and studied to be missionaries. For instance, the SVDs are one of those religious-missionary priests and brothers who prepare their members for missionary work here in the
The life of missionaries in the foreign countries is not heaven like. Most SVDs I knew who returned to the country after years of working in other countries would come back sick and looked old, telling us that the life of a missionary is not easy, and that they need our support. If we are all missionaries as baptized Christians, then we need to help our missionaries. They need our prayers, encouragements and material means of support to sustain them in their work.
All of us might not have the chance of working as missionaries in other countries or in far away places, but by our baptism, we are truly missionaries whose grace and vocation is to evangelize, to proclaim Christ to others, which we can do as effectively as other missionaries in our given situations. In our homes we can be missionaries by becoming loving and provident parents to our children, or by being responsible and dependable sons or daughters. In our work places, we are proclaimers of Christ to others by our honesty and efficiency in work. In our respective local communities, we can also become evangelizers through the kindness and respect we extend to others. But above all, as Christian communities, by practicing our faith, by making alive our act of worship, we easily make others feel the active presence of God. By these and some other ways we become missionaries in our particular life situation.
My sisters and brothers, today, God is telling us to be persistent and confident in our prayers and to participate in the mission of the Church. May we be generous with our time and resources as God is will certainly be generous to listen and to answer our prayers. Amen.
Sabado, Oktubre 6, 2007
27th Sunday of ORDINARY Time C
27 Sunday of Ordinary Time
Pananampalataya at Pagtitiwala
Mga tatlong buwan na ang lumipas nang lumapit sa akin ang isang kaibigan. Sabi niya, “Reverend, ipagdasal mo naman ako, na
Eksakto, after three weeks nagkita kami. Maasim ang kanyang mukha. Bungad ko sa kanya. “Kumusta ang interview mo?” “Reverend, masama ang loob ko sa Dios, naiinis ako sa kanya, kasi di niya binigay ang hiling ko. Bakit ganun siya, nagdarasal naman ako. Sa katunayan, pag Wednesday, pumupunta ako ng
Ang sabi ko sa kanya, “Irene, Irene, huminga ka nga... Anu ka?” Sabi niya, “babae.” “Oo, alam ko babae ka. Pero anu ka nga,” “Pilipino.” Di yan, Irene. Anu ka?” “Tao.” “Good,” sabi ko, “Tao ka nga Irene, tao ka lamang na nagdarasal sa Dios. Sinu ang dapat na masunod, ang tao na humihingi at nagdarasal o ang Dios?”
Malimit, marami ang nakakalimot sa ating dapat kalagyan bilang tao. Marami ang may akalang parang utusan ang Dios. Iniisip niya na anuman ang kanyang hilingin, ay obligado ang Dios na ibigay ito. Ang Dios po ay hindi isang vending machine, na pag naghulog ka ng P20 bill ay siguradong may sasambutin kang isang lata ng soft drink sa ilalim. Sa katunyan, ang tao ay tagasunod ng Dios... mga lingkod.. (servants).. alila ng Dios.
Sa ating pakikitungo sa Dios, bilang kanyang lingkod, dalawang mahahalagang bagay na ating kailangan ang dapat tandaan:
Una, kailangan natin ng matatag na pananampalataya. Tanggapin na natin ang katotohan na talagang mahirap ang sumunod sa Dios. At di lang mahirap, mukhang imposible pa nga. Kaya nga sa ebanghelyo natin ngayon, ginamit ang larawan ng binunot na puno ng Sikomoro, na di lang mahirap bunutin imposible pa para sabihin ganun din ang pagsunod sa Dios. Kaya ang kasagutan dito ay isang matatag na pananampalataya.
Maraming mga pagkakataon sa ating pangaraw-araw na buhay na tayo ay umaasa sa mga mabubuting bagay. Malimit ay itinataya natin ang ating buhay. Sa mga sumasakay ng dyeep, ipinapakita niya ang kanyang pananalig sa kakayahan ng driver, na ito ay hindi lasing, at dadalhin siya nito sa kanyang pupuntahan. Ganundin, sa ating buhay pananampalataya, itinataya natin ang ating buhay sa salita ng Dios.
Story: Lalaki na naaksidente habang nagdadrive papuntang bikol. Nagpagulong-gulong bago nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan, at siya sa kabutihang palad ay nakatalon at nakakapit sa isang sangga ng puno. Madilim ang paligid at walang tanda na may tutulong sa kanya. Kaya sa Dios siya ay nagdasal at humingi ng tulong. Tinig ng Dios, ‘Bumitaw ka!” Di bumitaw, dahil sa takot, di niya kayang ipagkatiwala ang kanyang buhay sa salita ng Dios. Nanatili siya doon. Nang magliwanag ang paligid, nakita niya, isang dipa na lang ang lupa.
Ang aral ng kwento: Sa buhay pananampalataya, kailangan nating itaya ang buong buhay sa salita ng Dios.
Pangalawa, di lang mahirap at mukhang imposible ang sumunod sa Dios, wala pa tayong kasiguraduhan kung saan ito mauuwi. Walang sinuman ang nakakasiguro na siya ay mapupunta sa langit. Lahat ay umaasa lang sa kabutihan at awa ng Dios. Kaya kailangan ng buong pagtitiwala. Ito ang nais ipakita ng kwento sa ating ebanghelyo ngayon. Sa harap ng Dios, lahat ng kanyang tagasunod, tayong lahat, ay katulad ng isang “maliit na lingkod.” Na kailangang tuparin lahat ng kanyang tungkulin at na di umaasa na pupurihin o babayaran o tatanaw ng utang na loob ang kanyang panginoon. Ganun pa man, buo pa rin ang kanyang pagtitiwala, hindi dahil nagawa niya ang gusto ng panginoon, kundi buo ang kanyang pagtitiwala sa kabutihan ng kanyang paanginoon.
Ang buong pagtitiwala ay hindi na bago sa atin. Maraming pagkakataon na ang kabutihan ng isang layunin ay sapat na para tayo ay magtiwala. Katulad na lamang ng ginagawa ng marami na nagbibigay ng donasyon sa mga kumbento ng madre o sa mga simbahan na anonynous. Nagbibigay sila ng donasyon hindi para may tanawing utang na loob ang mga madre o pari kundi dahil sa kanilang buong pagtitiwala sa kabutihan ng layunin ng mga madre at simbahan.
Sa ating buhay pananampalataya, ang paggawa ng kabutihan ay di nababatay sa gantimpala na matanggap natin mula sa Dios kundi sa kanyang awa at kabutihang loob. Pinaniniwalaan natin ng walang kaduda-duda ang kabutihan ng Dios. Ang pagtitiwala natin sa kabutihang loob ng dios ay katulad ng pagtitiwala ng isang bata sa kanyang mga magulang.
Katulad na lamang ng nangyari noong kami ay nag-aantay ng bus pauwi sa amin doon sa probinsya. Padating ang isang bus, nang biglang na lang tumakbo pasalubong ang isang batang lalaki. Nagsigawan ang mga tao, masasagasaan ang bata. Subalit, eksakto di namang tumigil ang bus sa harap ng nakatayong bata na kumakaway pa sa driver. Bumaba ang driver at kinarga ang bata. Tatay niya pala ang driver, kaya malakas ang loob niya na salubungin ito. Buo ang kanyang tiwala sa kanyang Tatay.
Mga kapatid, ngayon ay pinaalalahan tayo na mahalaga at kailangan ang pananampalataya at pagtitiwala sa pagsunod sa kalooban ng Dios.
26th Sunday of ORDINARY Time C
Tayong mga Pinoy, pagdating sa pagkain iba-iba ang hilig. Kami nga noong nasa
Kung ang tao ay may mga paborito, pagkain, lugar at kung anu pa, parang ganun din ang Dios. May paborito din pala ang Dios. Ito ang mapapansin natin mula sa mga pagbasa ngayon linggo. Halimbawa sa unang pagbasa, tinutuligsa ni propeta Amos ang mga mayayaman sa
Anu ang meron sa kahirapan na nagugustuhan ng Dios? Anu ginagawa ang mga mahihirap na sinasangayunan ng Dios? Ang sagot ay makikita natin sa mga bagay na nakakaligtaan ng mga mayayaman.
Una, dahil sa yaman, nakakalimutan ng tao ang iba, ang kanilang kapwa-tao. Ang pamumuhay sa karangyaan at luho ay nagpapalimot at nagpapamanhid sa tao sa pangangailangan ng iba. Kaya, isang kasakiman sa harap ng Dios ang mamuhay ng sagana na bulag at bingi sa tawag ng saklolo mula sa iba. Kaya, itinakwil ni propeta Amos ang mga mayayamang Israelita, sabi niya, “Kayo ang unang ipapatapon. Matitigil ang inyong pagpipiging at pagsasaya.”
Pangalawa, dahil sa yaman, nakakalimutan ng tao ang Dios. Sa pera at kapangyarihan na siya umaasa at nakasandal sa halip na sa Dios. Mukhang totoo, pag may pera ka, dadalhin ka nito sa lugar na gusto mu, kahit na pangit ka, pag may pera ka, gaganda ka. Ang nangyayari, pinagpapalit ng tao sa pera ang Dios, pero ang mas masaklap, pag sinasamba na niya ang pera, ginagawa na itong dios-diosan. Kaya, sa ebanghelyo, ang sabi ni Abrahan sa mayaman, “kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moses at mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay ay muling mabuhay.” Ibig sabihin ang mayayaman ay salapi lang ang pinaniniwalaan, maging si Hesus, na muling nabuhay ay hindi kapanipaniwala sa kanila.
Ito ang dalawang bagay na inaayawan ng Dios sa mga mayayaman. Kaya masasabi natin na lumulabas na paborito ng Dios ang mga mahihirap na walang yaman at ipagyayabang ay palagiang umaasa sa kabutihan ng iba at ng Dios. Sa kanilang pagsandal sa iba at sa Dios bukas sila sa pakikinig sa Kanyang Salita at sa pangangailangan ng kanyang kapwa. Hindi ang kahirapan ang pinapanigan ng Dios sa kanila kundi ang kanilang bukas at maluwag na kalooban. Samakatuwid, hindi handlang ang kahirapan, upang makapagsilbi sa Dios.
Ang mga maykaya, pag nagsisimba, kailangang magara ang sasakyan at nasa uso ang damit, kasi para pang display at para di sila masabing kawawa. Samantalang ang mga karaniwang tao, t-shirt ok na, hindi nila binigyan ng malaking atensyon ang kanilang dating, ang mahalaga sa kanila ay makapagsimba at makinig sa misa, makinig sa salita ng Dios. Ito ay patunay lang na ang kahirapan ay di hadlang sa pagsunod sa Dios.
Bukas din sila sa pangangailangan ng iba. Naalala ko yong yumao kong lola. Ayaw niya na magpalagay ng pader. Kaya tinanong ko siya: “Lola, nakit puro kahoy ang nilalagay ninyong bakod?” Sabi niya, “Totoy, di yan kahoy, malunggay iyan.” “Eh, ang dami naman diyan. Kaya ba nating ubusin yan, pag nabuhay na.” Tugon ko sa kanya. Subalit ang balik tugon nya ay, “Di lang naman para sa atin yan, sa mga kapitbahay din natin, para may maigulay sila.” Napabilib naman ako ng aking lola, laging nasa isip niya ang pangangailangan ng iba.
Ang mga ito ay patunay lamang na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagsunod at paglilingkod sa Dios. Bagkus, mas madali pa para sa kanila ang tumugon sa kalooban ng Dios. Ang kahirapan ay di handlang sa kabanalan.
Huwebes, Oktubre 4, 2007
Detachment and Saint Francis of Assisi
Detachment and Saint Francis of
The popular story of the origin of the calling of Saint Francis connects it with the ruins of the
Francis promptly obeyed the voice and set upon himself the task of rebuilding the
Then, he and his father were summoned into a court of a bishop. Addressing Francis in all kindness, the bishop requested him to restore the money to his father and reminded him that no matter how noble his intention was it will not correct the wrong he had done. In response, Francis stood before them all and said, “Up to this time I have called Pietro Bernadone father, but now I am the servant of God. Not only the money but everything that can be called his I will restore to my father, even the very clothes he has given me.” And Francis rent off his garment, piled them in a heap on the floor and placed the money on top of them. He turned toward the bishop to receive his blessing, after which he went out half-naked into the winter woods, walking on the frozen ground. He was penniless, he was parentless, and one that by all appearances without hope walking into the frosty tress and who suddenly burst into song.
Francis continued to commit himself to the call he received to rebuild the
Definitely, what Saint Francis did was a literal and faithful obedience to the Gospel’s demand for Christ’s disciples to renounce attachment to material possessions as they preach and build the Kingdom. In this way, Saint Francis, have much to tell us on how to follow and why do we need to follow Jesus Christ in poverty. Three directions are indicated to us:
First, only by divesting oneself of any attachment that one is ready to give him/herself totally to God. For Saint Francis, God is the only one that maters. Look at what he said, “Up to this time I have called Pietro Bernadone father, but now I am the servant of God.”
Second, in poverty one makes him/herself available for the Kingdom. Also destitute and one like them, Francis made himself free to be one with the poor and little ones to serve and care for them from his own generosity.
Third, once the goods are no longer mine, they become available for all. Goods are destined to be shared. This is the reason why Saint Francis had to beg even for his own food—to teach people to share their goods.
The Gospel ideal of detachment from possession and renunciation of material things as practiced by Saint Francis are difficult demands and indeed constitute a hard life to follow. But as one Cardinal in the time of Saint Francis argued: “make what compromises you think wise or humane about that ideal; but do not commit yourselves to saying that men shall not fulfill that ideal if they can.”