27 Sunday of Ordinary Time
Pananampalataya at Pagtitiwala
Mga tatlong buwan na ang lumipas nang lumapit sa akin ang isang kaibigan. Sabi niya, “Reverend, ipagdasal mo naman ako, na
Eksakto, after three weeks nagkita kami. Maasim ang kanyang mukha. Bungad ko sa kanya. “Kumusta ang interview mo?” “Reverend, masama ang loob ko sa Dios, naiinis ako sa kanya, kasi di niya binigay ang hiling ko. Bakit ganun siya, nagdarasal naman ako. Sa katunayan, pag Wednesday, pumupunta ako ng
Ang sabi ko sa kanya, “Irene, Irene, huminga ka nga... Anu ka?” Sabi niya, “babae.” “Oo, alam ko babae ka. Pero anu ka nga,” “Pilipino.” Di yan, Irene. Anu ka?” “Tao.” “Good,” sabi ko, “Tao ka nga Irene, tao ka lamang na nagdarasal sa Dios. Sinu ang dapat na masunod, ang tao na humihingi at nagdarasal o ang Dios?”
Malimit, marami ang nakakalimot sa ating dapat kalagyan bilang tao. Marami ang may akalang parang utusan ang Dios. Iniisip niya na anuman ang kanyang hilingin, ay obligado ang Dios na ibigay ito. Ang Dios po ay hindi isang vending machine, na pag naghulog ka ng P20 bill ay siguradong may sasambutin kang isang lata ng soft drink sa ilalim. Sa katunyan, ang tao ay tagasunod ng Dios... mga lingkod.. (servants).. alila ng Dios.
Sa ating pakikitungo sa Dios, bilang kanyang lingkod, dalawang mahahalagang bagay na ating kailangan ang dapat tandaan:
Una, kailangan natin ng matatag na pananampalataya. Tanggapin na natin ang katotohan na talagang mahirap ang sumunod sa Dios. At di lang mahirap, mukhang imposible pa nga. Kaya nga sa ebanghelyo natin ngayon, ginamit ang larawan ng binunot na puno ng Sikomoro, na di lang mahirap bunutin imposible pa para sabihin ganun din ang pagsunod sa Dios. Kaya ang kasagutan dito ay isang matatag na pananampalataya.
Maraming mga pagkakataon sa ating pangaraw-araw na buhay na tayo ay umaasa sa mga mabubuting bagay. Malimit ay itinataya natin ang ating buhay. Sa mga sumasakay ng dyeep, ipinapakita niya ang kanyang pananalig sa kakayahan ng driver, na ito ay hindi lasing, at dadalhin siya nito sa kanyang pupuntahan. Ganundin, sa ating buhay pananampalataya, itinataya natin ang ating buhay sa salita ng Dios.
Story: Lalaki na naaksidente habang nagdadrive papuntang bikol. Nagpagulong-gulong bago nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan, at siya sa kabutihang palad ay nakatalon at nakakapit sa isang sangga ng puno. Madilim ang paligid at walang tanda na may tutulong sa kanya. Kaya sa Dios siya ay nagdasal at humingi ng tulong. Tinig ng Dios, ‘Bumitaw ka!” Di bumitaw, dahil sa takot, di niya kayang ipagkatiwala ang kanyang buhay sa salita ng Dios. Nanatili siya doon. Nang magliwanag ang paligid, nakita niya, isang dipa na lang ang lupa.
Ang aral ng kwento: Sa buhay pananampalataya, kailangan nating itaya ang buong buhay sa salita ng Dios.
Pangalawa, di lang mahirap at mukhang imposible ang sumunod sa Dios, wala pa tayong kasiguraduhan kung saan ito mauuwi. Walang sinuman ang nakakasiguro na siya ay mapupunta sa langit. Lahat ay umaasa lang sa kabutihan at awa ng Dios. Kaya kailangan ng buong pagtitiwala. Ito ang nais ipakita ng kwento sa ating ebanghelyo ngayon. Sa harap ng Dios, lahat ng kanyang tagasunod, tayong lahat, ay katulad ng isang “maliit na lingkod.” Na kailangang tuparin lahat ng kanyang tungkulin at na di umaasa na pupurihin o babayaran o tatanaw ng utang na loob ang kanyang panginoon. Ganun pa man, buo pa rin ang kanyang pagtitiwala, hindi dahil nagawa niya ang gusto ng panginoon, kundi buo ang kanyang pagtitiwala sa kabutihan ng kanyang paanginoon.
Ang buong pagtitiwala ay hindi na bago sa atin. Maraming pagkakataon na ang kabutihan ng isang layunin ay sapat na para tayo ay magtiwala. Katulad na lamang ng ginagawa ng marami na nagbibigay ng donasyon sa mga kumbento ng madre o sa mga simbahan na anonynous. Nagbibigay sila ng donasyon hindi para may tanawing utang na loob ang mga madre o pari kundi dahil sa kanilang buong pagtitiwala sa kabutihan ng layunin ng mga madre at simbahan.
Sa ating buhay pananampalataya, ang paggawa ng kabutihan ay di nababatay sa gantimpala na matanggap natin mula sa Dios kundi sa kanyang awa at kabutihang loob. Pinaniniwalaan natin ng walang kaduda-duda ang kabutihan ng Dios. Ang pagtitiwala natin sa kabutihang loob ng dios ay katulad ng pagtitiwala ng isang bata sa kanyang mga magulang.
Katulad na lamang ng nangyari noong kami ay nag-aantay ng bus pauwi sa amin doon sa probinsya. Padating ang isang bus, nang biglang na lang tumakbo pasalubong ang isang batang lalaki. Nagsigawan ang mga tao, masasagasaan ang bata. Subalit, eksakto di namang tumigil ang bus sa harap ng nakatayong bata na kumakaway pa sa driver. Bumaba ang driver at kinarga ang bata. Tatay niya pala ang driver, kaya malakas ang loob niya na salubungin ito. Buo ang kanyang tiwala sa kanyang Tatay.
Mga kapatid, ngayon ay pinaalalahan tayo na mahalaga at kailangan ang pananampalataya at pagtitiwala sa pagsunod sa kalooban ng Dios.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento