Salamat sa Kabutihan ng Dios
Isang lalaki ang lumapit at nagdaraing, nagrereklamo sa isang Rabbi: “Guro, ang hirap talaga ng buhay, akalain nu ba naman, siyam kaming magkakasama isang kwarto, ang hirap talaga, anu po ang gagawin ko?” “Isama mo sa kwarto ninyo ang isang kambing!” ang utos sa kanya ng Rabbi. Nagdadalawang isip siyang sundin ang sinabi ng Rabbi, pero seryoso ito, “Gawin mu ang sinabi ko! Bumalik ka pakalipas ng isang linggo.”
Matapos ang isang linggo, bumalik ang lalaki, madilim ang mukha, at reklamo agad sa Rabbi, “Ang baho ng kambing! Di na namin kaya. Ang baho talaga!” “Umuwi ka na, ilabas mu na ang kambing sa kwarto nu. Bumalik ka sa isang linggo!” sabi sa kanya ng Rabbi.
Pakalipas ng isang linggo, isang masayang lalaki ang bumalik sa Rabbi. “Ang sarap ng buhay! Ang saya-saya naming siyam sa loob ng kwarto nang ilabas namin ang kambing. Sarap ng buhay, pag walang kambing.”
Ang kwentong ito, katulad ng unang pagbasa at ng ebanghelyo ay sinasaning tayo ay MAGPASALAMAT sa anumang pangyayari at bagay na dumarating sa ating buhay, na kadalasan ay di nabibigyan ng pansin at halaga na kung tutuusin ay mga biyayang galing sa Dios. Sabi nila sa English, “count your blessings.”
Napapansin ko pa na mahirap ang magpasalamat! Naalala ko noong maliit pa kami, pag may bisita si Mama, ako ang sumasalubong kasi may dalang pasalubong. Kiss ng konti, yon iaabot na nila yong pasalubong. Tatakbo na
Ang totoo, di lang mahirap magpasalamat, mas madali ang magreklamo at dumaing ng kung anu-anu. Kahit sa bibliya puro din reklamo, halimbawa, ang 150 Psalms, 50 ay tinatawag na lament Psalms, na ang laman ay mga daing at paghihinagpis, sa madaling sabi, reklamo. Ganun din naman ang mga laman ng dasal ng karamihan. Pag may nag text sa kin na kaibigan ng nagpapadasal sigurado problema yan., reklamo na naman.
Four years ago, isang nanay ang lumapit sa aki, “Brother, ibless nyo naman bahay namin.” “Sige ko, kelan po natin ibless.” Tanong ko sa kanya. Mamaya pong 4pm. 4pm pinuntahan namin ang kanilang bahay. Medyo nabigla ako, kasi luma na ang bahay nila at medyo may kalakihan. Nagpaliwanag siya, “Brother, matalagal na po kaming nakatira dito, gusto lang namin ipabless kasi madalas magkasakit ang mga anak ko.” Katulad ng karamihan sa ating mga dasal, si Ate Edna ay nagpabless ng bahay dahil may problema, sila ay nahihirapan.
Wala pong masama sa pagrereklamo, ang dumaing at mahirapan. Parte ito ng buhay. Swerte ka kung nahihirapan ka kaya ka nagrereklamo, ibig sabihin niyan buhay ka pa. Tingnan ninyo yong mga nasa kabaon, hindi sila nagrereklamo, at nakangiti pa all the time.
Napakaganda, sapagkat sa ating pananampalataya ang kahirapan ay hindi sagabal sa ating pakikipag ugnayan sa Dios, malimit ito ay tulay natin patungo sa Dios. Ang sampung ketongin at ang Kommander ng mga sundalo na si Naaman ay pawang mga individual na dahil sa kanilang sakit sila ay inilapit sa kay Hesus at sa Dios. Di lang yan, si Hesus ay nagdanas ng hirap para sa ating kaligtasan. Samakatuwid, dahil sa ating pananampalataya, ang kahirapan ay pakikisa natin kay Hesus na naghirap para sa ikabubuti natin.
Kung ang dumaing ay karaniwan, ang magpasalamat ay sa maykapal. Di pangkaraniwan ang ginawa ng Samaritanong ketongin na isa sa sampung pinagaling ni Hesus, sapagkat bumalik siya para magpuri at magpasalamat sa Dios sa paanan ni Hesus. Kung magkagayun, ang bawat pasasalamat na binibigkas ng ating labi ay alay papuri sa Dios. Na sa bawat pagsasabi natin ng salamat, ito ay nuukol sa Dios.
Naalala ko ang kwento ng isang lalaki na bumili ng tinapay sa isang bakery. Matapos balutin ng tindera sinabi niya, “Brod, salamat sa Tinapay.” Pero sabi niya, wag po kayong magpasalamat, sa akin, nagtitinda lang po ako, dun na lang po sa panadero (baker). Kaya nagpasalamat siya sa panadero, “Manong, salamat po!” Pero itinuro siya nito sa, “Dun na lang po sa mga nagbuhat dito ng arina kayo magpasalamat.” Pinasalamatan niya ang mga nagbuhat, pero katulad ng nauuna itinuro siya nito sa iba, hanggang naabut niya ang magsasaka, kaya sabi niya dito, “Tatay, salamat po sa Tinapay.” Tugon ng magsasaka, “Anak, ako’y nagani lamang ng butil ng panamin. Sila ang iyong pasalamatan.” Kaya sinabi niya sa mga tanim, “Salamat sa tinapay!” Pasalamatan po ninyo ang nagbigay ng tubig, liwanag, hangin at ang may gawa ng lupa, siya ang nagbigay buhay at bunga sa amin, ang Dios na maylikha nag lahat.”
Ang bawat pasasalamat ay pasasalamat sa lahat ng bahagi ng biyaya ng buhay . Ang bawat pasasalamat ay pagkilala sa kabutihan ng Dios, sa kabila ng ating mga nararanasang hirap sa buhay.
Mga kapatid, kung karaniwan sa atin ang dumaing at hindi pangkaraniwan ang magpasalamat, ngayong ay ipinaalala sa atin na ang magpasalamat ay sa Dios, isang pasasalamat sa mga kabutihan ng Dios.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento