How sacred is your heart?
Homily on the Sacred Heart of Jesus
Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin siya. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.
Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha pa rin ang kanyang kalagayan hanggang sa siya’y bawian na ng buhay. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.
Ilang linggo na lang ay ipagdidiriwang natin ang Kapistahan ng isang pusong higit pa sa puso ni Ben, ang Kabanalbanalang puso ni Hesus. Ang Puso ni Hesus ay pusong puno ng pagmamahal at pagkalinga sa sangkataohan. Ito ang puso na pinagbukalan ng ating kaligtasan, ang banal na puso ni Hesus.
Paano nagsimula ang ganitong debosyon sa Banal na Puso ni Hesus? Meron din kayang isang alamat na nakatago sa likod nito.
Sinimulang ang debosyon sa Banal na Puso ni Hesus ng ilang individual at mga pamayanang ng mga mongha noong ika-10 siglo. Ngunit ito ay mas ipinakilala ni Saint Margaret Mary Alacoque (1647-1690) na naniniwalang siya ay nakatanggap ng mga pagpapahayag mula sa Diyos. Tatlo sa mga ito ang maganda ang sinasabi tungkol sa Banal na Puso ni Hesus.
Ang una ay naganap December 27, 1673 (?). Sinasabi ni Saint Margaret na siya tinawag ni Hesus para inihimlay ang kanyang ulo sa dibdib ni Hesus upang pakinggan ang tibok ng kanyang puso na puno ng dakilang pagmamahal sa lahat at suguin na ipahayag ang pagmamahal na ito ni Hesus sa lahat.
Ang ikalawa ay naganap noong June/July 1674. Ayon kay Saint Margaret ay hiniling ni Hesus na siya ay parangalan sa larawan ng isang buhay na puso. Nakita ni Saint Margaret si Hesus sa busilak ng pusong nagmamahal at humihiling ng ganting pagmamahal sa pamamagitan ng pagtanggap ng komunyon at pagsasagawa ng “holy hour”.
Ang ikatlo ay ang “great apparition” na naganap noong June 16, 1675, ang “octave of the Corpus Christi”. Ayon kay Saint Margaret, sinabi sa kanya ni Hesus: "Behold the Heart that has so loved men ... instead of gratitude I receive from the greater part (of mankind) only ingratitude ...",Pagmasdan mo ang pusong lubos na nagmamahal sa sangkatauhan… sa halip na ganting pasasalamat ang aking natanggap mula sa sangkatauhan ay kasakiman, galit at pagkaghaman. Hiniling ni Hesus sa kanya na ipagdiwang ang Kapistahan ng Banal na Puso sa Biyernes pakatapus ng Linggo ng Corpus Christi at inutusan din siya ni Hesus na sabihing ang lahat ng ito kay Father de la Colombière, pinuno ng isang pamayanang Heswita. Kasama rin sa pahayag na ito ay kilalanin ng hari at ipalaganap sa buong mundo.
Malalim ang mga aral na mapupulot sa kasaysayan at pinagmulan ng debosyon sa banal na puso ni Hesus. Malinaw nitong sinasabi na si Hesus ay tunay na nagmamahal sa sangkatauhan, kaya ang tao tinatawag muli na magmahal din ng lubos. Kaya kung ang HEART ni Hesus ay SACRED, “how sacred then is your own heart?” Hayaan ninyo po akong isalarawan ang isang pusong banal sa pamagitan ng isang acronym: HEART.
H – Humble
E- Endurance in times of difficulties
A- Attentive to God
R- Respectful of Others
T- Trust in God
Ang isang puso ay sacred kung ito ay HEART.
Huwebes, Mayo 15, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento