Linggo, Mayo 18, 2008


An Experience of God as Trinity
Arnold C. Biago, SVD

Sa pelikulang Star Wars ni George Lucas ang sinasabi nilang greetings ay, “May the force be with You!” Ang gandang pakinggan no! Anu kaya kung gamitin natin yan sa Misa at sabihin ko sa inyo, “The force be with you, and may the force bless you in the name of George Lucas, the Jedi group and whoever will they be…” Hindi lang ito nakakatawa at walang kahulugan para sa atin kundi isa rin itong blasphemy—paglalaro sa pangalan ng Dios. Para sa atin mga Kristyano, ang Dios ay higit pa sa isang kathang isip o ideya sa Siyensya na ang nakikita ay walang iba kundi “matter” at “energy”. Kundi ang Diyos ay Maykapal na makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Hindi lang yan, para sa ating ang Diyos ay nagkatawang tao at nakipamuhay sa atin, si Hesus na manunubos. Ang Diyos din ay patuloy na nakikiisa sa atin sa pamamagitan ng kanilang Banal na Espiritu, ang Espiritu na mula sa Ama at Anak. Kaya ang turing natin sa Diyos ay Pag-ibig.

Sa isang International School sa Singapore ay nag didiscuss ang dalawang bata habang nag snacks sa School Canteen. Ang isa ay Anak ng isang Catholic Diplomat na Pinoy at sa naman ay anak ng isang American diplomat na Jew. Tinanong ng batang Jew ang batang Pinoy na Catholic, “What is that words you say before you eat, ‘In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit’?” Ang sabi ng batang Pinoy, “I thank God who gives me this food and ask him to bless it, who is Father, Son and Holy Spirit.” “You mean, you have three gods?” Sagot ng batang Pinoy, “We have only one God” Sabi uli ng batang Jew. “No you have three gods, one who is Father, one who is Son and one who is Spirit, this is what we learn in Math, 1 + 1 + 1 = 3.” Ang sagot naman ng batang Pinoy “Your Math has not improved, its not addition that we use here but multiplication, 1 x 1 x 1 = 1, right?”


Ang Banal na Santatlo ay di ganap na maipapaliwanag at maiintindihan kung gagamit lamang ng addition kundi kailangan nito ay multiplication. Ang imumultiply ay hindi ang Diyos kundi ang sarili na ito ay maging bukas na maranasan ang Diyos bilang Ama na may likha ng lahat. Tatlo sa tinatawag na “great world religions” ang nagkakaisa sa paniniwalang ang Dios ang may-likha ng lahat, ang mga Kristyanismo, Islam at Judaismo. Subalit para sa atin mga Kristiyano, dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos Ama sa kanyang mga nilikha ay sinugo niya ang kanyang Nag-iisang Anak para ibalik sa kanyang piling ang kanyang mga nilikha. Kaya ang Diyos ay naging Tao at nakipamuhay sa atin bilang ating manunubos, si Hesus. Sa pamamagitan niya nakilala ng tao ng lubos ang Diyos at ganap niyang naranasan ang kanyang pag-ibig. Saan mo makikita ang isang Amang iniaalay ang kanyang sariling Anak para sa kaligtasan ng lahat? Ito ang tatak ng ating pananampalataya, si Kristo na nag-alay ng kanyang sarili. Hindi pa diyan nagtatapos ang kasaysayan ng pagmamahal ng Diyos sa tao. Ibinigay ng Diyos ang Espiritu ng Ama at ng Anak para manatili sa piling ng Tao. Kaya nang bumalik sa piling ang Ama ang Anak nanatili kasama natin ang Diyos, ang Banal na Espiritu bilang ating gabay. Ang lahat ng ito ay naganap nang dahil sa pag-ibig ng Diyos. Kung magkagayon, ang tatlong persona ng nag-iisang Diyos ang natatanging paraan ng mga Kristiyano na isalarawan ang kanyang karanasan ng pag-ibig ng Diyos bilang Ama, Anak at Banal ng Espiritu.


May nakilala akong isang pamilya, mga sampung taon na ang nakaraan. Ang mag-asawang ito ay taga-Mindanao, sa Surigao at siyam ang kanilang anak. Ang tatay ng pamilyang ito ay napakareligious. Isa sa mga malimit niyang dinadasal sa Diyos ay pasasalamat. Pinasasalamatan niya ang Diyos sa pagkakaloob sa kanilang mag-asawa ng siyam na anak. Ito ay testimonya ng kanyang pagkakilala sa Diyos bilang maylika ng lahat.


Ang siyam na kapatid na ito lahat ay nagsumikap na makapag-aral dahil alam nilang na wala namang maipamanang mga ari-arian ang kanilang magulang. Nang matapos ang kanilang kuya sa high school ito ay nagtrabaho sa Cebu at nag-ipon ng pera para gastusin sa pag-aaral ng sumunod sa kanya na kapatid. Nang matapos siya at nakapag-trabaho ito naman ang tumustos sa pag-aaral ng kanyang kuya. Yung ibang mga kapatid nila ay ganun din ang ginawa, nag-partner partner sila, isa ang nagtatarabaho para makapag-aral ang isa. Ang ginawa nilang pagsasakrispisyo para sa kapatid ay pagsasabuhay ng sariling pag-aalay ni Hesus ng kanyang sarili para sa ating kaligtasan, ang pinakadakilang sakrispisyo.


Anu ngayon ang nangyari sa isa na walang kapartner sa siyam na magkakapatid. Siya po ay naging pari ng SVD at sa kanya namin narinig itong kwento ng kanilang pamilya. Sabi niya, ito ang dahilang kung bakit siya nagpari, nainspire siya sa kanyang mga magulang na ibinigay lahat sa kanila at sa kanyang kapatid na nagbibigayan at handang iaalay ang sarili sa iba. Ganito naman ang Banal na Espiritu, “source of inspiration”, nabibigay lakas at tatag. (one that empowers).


Sa isang bukas na sarili at mulat na puso ang Diyos mararanasan bilang Ama, Anak at Banal na Espiritu na ipinakilala ni Hesus at ating makikita mula sa ating mga sariling karanasan. Ito ang ating idalangin na patuloy nating maranasan ang Diyos na mapagmahal sa ating kapwa.

Walang komento: