Linggo, Disyembre 9, 2007

2nd Sunday of Advent

Pagsisisi Bilang Paghahanda sa Pagdating ng Dios
REV. ARNOLD BIAGO,SVD

Noong January 1995 dumalaw sa Pilipinas ang Santo Papa, Juan Pablo II para dumalo sa 10th world Youth Day sa Manila. Alam n’yo po ba na ayon sa PNP bumaba daw ang crime rate sa Metro Manila noong mga panahong yon. Naisip ko tuloy, baka natakot ang mga kriminal na gumawa ng kalokohan dahil darating ang pinakapuno ng Simbahan at nakiisa sila sa paghahanda sa pagdating ng Santo Papa.

Ngayong Pasko, isang mas dakila pa sa Santo Papa ang darating sa ating piling, Si Hesu-Kristo na Anak ng Dios at ating tagapagligtas. Darating ang Dios na tagapagligtas, ito ang sigaw ni Juan Bautista sa ating ebanghelyo ngayon. At itong pagdating ng Dios ay kaganapan ng katarungan at puno ng mga di kapanipaniwalang bagay sabi ni propeta Isaias. Sa pagdating ng Dios sabi ni propeta Isaias, “maglalaro ang bata sa tabi ng ahas, sususo ang tupo sa inang lobo, at magsasama ang leon at batang guya.”

Natatakot ba tayo sa kanyang pagdating o nakiisa sa paghahanda sa kanyang pagdating? 16 araw na lang ay pasko na. Handa na ba kayo sa pasko. Anu-anu ang inyong mga ginagawang paghahanda?

Noong nakaraang lingo, napanood ko sa TV ang interbyo kay Fanny Serrano. Tinanong siya ng Host ng Mel and Joey kung paano niya dinedecorate ang kanyang napakalaking bahay pag pasko. Sabi niya, “Eh, karamihan naman sa mga decors ko ay recycled at August pa lang bumibili na ako ng mga Christmas decors para mura at makatipid.”

Marami sa ating na talagang pinaghahandaan ang Pasko. Katunayan, pagdating ng Ber months nagsisinula na silang maglagay ng mga Christmas decors. Ang iba naman ay namimili na agad ng mga pangregalo sa divisoria o 168. Kailangan ba talaga nating ang lahat ng mga paghahandang panlabas na ito. Oo naman, sapagkat ang mga Christmas decors ay mga simbolo, mga tanda na magpapaalala sa atin ng dakilang gawa ng Dios, mga tanda ng pagkakatawang tao, at pakikiisa sa buhay natin ng Dios. Higit sa lahat, ang mga ang mga Christmas decorations natin ay nagsasabing isabay natin ang paghahandang pangsarili, pangkalooban. Kung inihahanda natin ang ating bahay, dapat din nating ihanda ang ating mga sarili para sa okasyon ito.

Paano tayo maghahanda sa pagdating ng Dios? Ang sigaw ni Juan Bautista sa ating Ebanghelyo: “Pagsisishan ninyo at talikdan ang inyong mga kasalanan.” Sapagkat darating na ang kaharian ng Dios. Ito rin ang ating gagawing paghahanda: ang Pagsisisi at pagtalikod sa Kasalanan--sa madaling sabi tanggapin sa ating sarili at buhay ang Dios. Kung ang kasalanan ay pagtatakwil sa Dios, ang pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan ay pamumuhay kasama at sa piling ng Dios. Magiging madali ang umiwas sa Dios kung nasa sa atin ang Dios, madaling itakwil ang kasalanan kung tayo ay nakasandal sa Dios, kung nasa atin ang Dios.
May tatlong kabataang lalaki na namasyal sa Katedral ng Notre Dame. Sila ay nagkahamunan, kaya isa ay pumunta sa kumpisalan at doon ay nagkunwaring magkumpisal. Napansin ng pari na siya ay niloloko ng nagkukumpisal kaya ang ibinigay niya ang ganitong penance: “Tumayo ko sa harap ng malaking crucifix sa altar, tingnan mu si Hesus sa mata at tatlong ulit na sabihin mu: Ginawa mo yan sa akin? At wala akong pakialam.”

Ang batang lalaki at ang kanyang kaibigan at nagtatawan habang sila ay naglalakad palapit sa sanktuwaryo. Tiningnan niya sa mata si Hesus at sinabi niya: “Ginawa mu yan sa akin? At wala akong pakialam.” Sa pangalawang ulit nanginig na ang kanyang boses: “Ginawa mu yan sa akin? At wa... la akong pakialam.” At sa pangatlong ulit, hindi na niya ito masabi...

Yuko ang kanyang ulo, ang batang lalaki ay bumalik sa kumpisalan at buong-pusong nagsisi at humingi ng pagpapatawad ng Dios. Ang batang lalaking iyong ay naging pari, at kaluunan naging Arsobispo ng Paris, na walang iba kundi ang nagbahagi ng kwentong ito.

Mga kapatid, si Hesus na isinilang sa Pasko ay siya ring Hesus na ipapako sa krus at mamatay para sa atin. Si Hesus ay Dios na nakiisa sa buhay natin at nagalay ng kanyang buhay. Talikdan nating ang kasalanan sapagkat ang Anak ng Dios ay kaisa at kasama natin upang lupigin ito. Pagsisishan natin an gating mga kasalana, sapagkat si Hesus ay nag-alay ng kanyang sarili upang tayo ay magwagi laban sa kasalan.

Walang komento: